Mga Pelikula

11:45 PM Unknown 0 Comments





Dito ay inilista namin ang sampung pinakamahusay na pagsasakontemporanyo ng mga akda.

10. Beastly


     Beastly ay isang pelikula na nagsimula sa isang libro na pareho lamang ang pangalan. Ang pinagmulan naman ng Beastly ay ang nobelang La Belle et la Bête(Beauty and the Beast) ni Gabrielle-Suzanne Barbot de Villeneuve. Ito ay ginawa ring pelikula ng Walt Disney Studios noon 1991. Ito ay tungkol sa isang babae na si Belle at ang halimaw na tinatawag na Beast. Si Beast(Adam) ay isang prinsipe na itinaboy ang isang matandang nangangailan nang tulong. Ang matandang ito ay isa palang enkantada at sinumpaan siya na siya ay naging nakakatakot na halimaw. Isang rosas ang ibinigay sa kanya at binalaan siya na kailangan niyang makahanap nang taong magmamahal sa kanya sa kabila nang kanyang itsura.


     Ang librong Beastly ay nakasentro sa buhay ng bidang si Kyle Kingsbury na mayaman, matalino, at ang pinakatanyag na katangian niya -- guwapo. Ang katauhan ni Belle ay makikita sa karakter ni Lindy na inilalarawan bilang ‘di naman kagandahan, ‘di tulad nang orihinal na Belle. Hindi lang ito and pinagkaiba nang mga unang akda sa pelikula. Si Kyle ay sumasalamin sa parehong persona nina Adam at Gaston galing sa orihinal na akda. Nakatuon ito sa dalawang pangalan na ginagamit niya sa istorya. Wala siyang mga enkantadong mga alipin, kung hindi ay isa lamang kasambahay at isang pribadong gurong bulag. Ang enkantada naman sa Beastly ay isang babae sa pangalan na Kendra. Sinumpaan niya rin si Kyle sa parehong paraan kay Adam sa orihinal na akda pero dalawang taon lang ang ibinigay sa kanya.

9. Warm Bodies


     Ang Warm Bodies ay isang pelikula na nagmula sa librong Warm Bodies ni Isaac Marion, na nagmula sa librong Romeo and Juliet ni Willam Shakespeare. Sa Warm Bodies, si R ay isang zombie na napaibig sa isang babae, si Julie. Sa mundo nina R at Julie, magkalaban ang mga tao at zombie ngunit sila’y naging magkaibigan at sa huli, magkasintahan.

     Si R at si Julie ay nagsasalamin sa persona nina Romeo at Juliet, dalawang kababatang pinipilit ipaghiwalay ng kanilang pamilya—sa Warm Bodies, and pamilyang ito ay ang mga zombies at tao. Pero, kung sa huli nagpakamatay sina Romeo at Juliet dahil sa pagmamahal nila sa isa’t-isa, sa Warm Bodies muling nabuhay si R dahil nakaramdam siya ng emosyon at pagmamahal para kay Julie.

     Kung ang mga pangyayari sa Romeo and Juliet ay naganap sa Elizabethan Era ng England, ang Warm Bodies ay naganap sa isang post-apolacypic world kung saan nagkaroon ng zombie outbreak.




8. Charlie and the Chocolate Factory


     Ang pelikulang ito ay ihahambing natin sa Willy Wonka and the Chocolate Factory ginawa noong 1971 na batay sa 1964 pambatang libro ni Roald Dahl. Pareho itong tungkol sa isang maswerteng bata na nakahanap ng golden ticket sa chocolate bar para makasama siya sa pagbukas muli ng Chocolate Factory na isinarado noon. Ipapamana rin ang Factory sa huling batang natitira pagkatapos ng factory tour. Walang gaanong ipinagbago ang balangkas bilang kalahatan kung ito ay ating susuriin.

     Ibinago lamang ang kaunting bagay para mas moderno itong tignan tulad ng pagbago sa mga pananamit. Tinanggal rin ang musical kumpara sa unang pelikula at isa lang ang natirang kanta. Mayroon ring idinagdag sa Charlie and the Chocolate Factory; ipinakita ang nakalipas ng may-ari ng Chocolate Factory na si Willy Wonka.



7. Sydney White


     Ang Sydney White ay isang modernong pagsasalin ng klasikong kuwento na Snow White ng Brothers Grimm.

     Sa Sydney White ang bidang si Sydney ay bagong estudyante sa Southern Atlantic University. Ang nais ni Sydney ay salihan ang kapatirang Kappa Phi Nu na kung saan miyembro ang kanyang pumanaw na ina. Si Rachel Witchburn ay ang kasalukuyang presidente sa nabanggit na kapatiran at ang pinakatanyag sa buong kampus, at nakita niyang banta si Sydney sa kanyang popularidad. Pagkatapos paalisin at ipahiya ni Rachel si Sydney, si Sydney ay nakitira sa pitong lalaking estudyante sa kanilang luma at sira-sirang dormitoryo, at lahat silang magkakasama ay lalaban kay Rachel Witchburn at lalaban para maiba ang sistema ng kolehiyo.

     Sa orihinal na kuwento na Snow White ang tagpuan ay bansa sa Europa sa taong 1500; gayunman, sa Sydney White masasabing nasa 2000’s ang taon ng tagpuan, at sa Estados Unidos ang tagpuan. Sa Sydney White ang bidang si Sydney ay bagong estudyante sa Southern Atlantic University, kung saan ang karamihang bahagi ng pelikula ay nagaganap ang kuwento. Sa halip na mga kastilyo ang tinitirahan ng mga maharlika, prinsesa, at prinsipe, sa Sydney White ang mga tinitirahan ng mga mag-aaral ng unibersidad ang mga bahay ng kapatirang sinalihan nila.

     Sa Snow White ang mga tauhan ay mga pesante at maharlika, sa Sydney White ang mga tauhan ay mga estudyante at ang mga matataas ang antas ang mga presidente o lider ng mga kapatiran. Sa pelikulang Sydney White ang antas ay nakabase sa katanyagan, kung saan ang pinakatanyag ay si Rachel Witchburn, ang presidente ng kapatirang Kappa Phi Nu at presidente ng konseho ng mga mag-aaral; ang bida ay si Sydney White, at ang kanyang kalaban sa pelikula ay si Rachel Witchburn. Ang ‘prinsipe’ naman sa pelikula ang presidente ng kapatirang Beta Omega Rho na si Tyler Prince. Katulad nang sa kuwentong Snow White, ang ninanais ng kontrabidang siya ang pinakamaganda o pinakatanyag sa buong kolehiyo, at si Sydney White, tulad ni Snow White, ang nagsapanganib nito, at tinangka ni Rachel Witchburn na ipasuko si Sydney sa pagtatakbo bilang presidente ng konseho ng mga mag-aaral.


6. Clueless


     Ang pelikulang Clueless, sa direksyon ni Amy Heckerling, ay modernong salin ng libro ni Jane Austen na pinamagatang Emma

     Sa libro, ang kuwento ay tungkol kay Emma Woodhouse, isang mayamang babae na mahilig ipag-pares ang mga tao upang maging magkasintahan, ngunit siya mismo ay walang buhay pag-ibig. Hinahanapan niya ng mapapangasawa ang kanyang kaibigan na si Harriet. Sinubukan niya na ipagtambal si Harriet kay Mr. Elton at kay Frank Churchill, ngunit hindi ito naging matagumpay, dahil sinabi ni Harriet na ang iniibig niya ay si Mr. Knightley, ang matalik na kaibigan ni Emma. At napagtanto naman ni Emma na iniibig niya din si Mr. Knightley, subalit tinulak niya si Mr. Knightley papunta kay Harriet, dahil iniisip niya na mahal ni Mr. Knightley si Harriet. Ngunit si Emma pala ang minamahal ni Mr. Knightley, at sa dulo ay sila ang nagkatuluyan, samantalang ang pinakasalan ni Harriet ay si Robert Martin, ang kanyang magsasaka na mahal niya rin.

     Ganito rin ang daloy ng kuwento sa pelikula. Ang bida naman ay si Cher Horowitz, isang mayaman at sikat babae na sanay makuha ang kanyang mga ninanais. Nagsimula ang pagkawili niya sa pagtatambal ng mga tao noong kanyang pinagtambal ang kanyang dalawang guro, upang sila ay maging masaya at bigyan siya at ang kanyang mga kaklase ng mas mataas na marka. Sinabi sa kanya ng kanyang dating kinakapatid na lalaki na si Josh, ay gumawa naman siya ng magandang bagay para sa ibang tao, hindi para sa sarili niya. Kaya pagkarating ng isang bagong estudyante na si Tai, nagdesisyon siya na turuan si Tai kung paano maging tanyag sa kanilang paaralan. Itinatambal niya din si Tai sa kaibigan niyang si Elton, na hindi naging kaaya-aya ang kinalabasan, dahil si Elton ay may gusto kay Cher. Sa madaling panahon, naging mas sikat pa si Tai kay Cher, at nagkagusto siya kay Josh. Nang nalaman ni Cher na may gusto si Tai sa kanyang dating kinakapatid, hindi siya natuwa. Doon niya napagtanto na mahal niya si Josh, at sa dulo ay nalaman niya na siya din ang mahal ni Josh, at hindi si Tai. Si Josh at si Cher ang nagkatuluyan, samantalang ang inibig ni Tai ay ang isa nilang kaklase na si Travis.

     Kitang-kita ang pagkakapareho ng pelikula at ng libro, binago nga lang ang ilang mga bagay. Binago ang panahon, dahil sa Emma, ito ay nasa 1800’s, samantalang 1995 ang panahon sa Clueless, kaya ito ay moderno. Binago din ang mga pangalan ng mga tauhan, gaya ni Emma, na ginawang Cher, at si Mr. Knightley, na ginawang Josh.

     Wala man masyadong pinagbago, maganda at epektibo ang pagsasakontemporanyo na ginawa ng pelikulang Clueless sa librong Emma ni Jane Austen. Mas naintindihan ang kuwento sa modernong salin, at mas madaling iugnay sa totoong buhay ang pelikula dahil ito ay nakatakda sa mas modernong panahon.


5. 10 Things I Hate About You


     Binatay sa dula na The Taming of the Shrew ni William Shakespeare ang pelikulang 10 Things I Hate About You, na nasa direksyon ni Gil Junger. Ang dula ay tungkol sa pagpapaamo ng isang lalaki na si Petrucio sa isang babae, si Katherine, na palaaway. Kailigangan kasi may ikasal muna kay Katherine, bago ipapakasal ang kanyang kapatid na si Bianca. Napaamo niya nga si Katherine, naging mabait ang masunurin ang babae kay Petrucio, at sila ay kinasal.

     Sa pelikula naman, ang mga bida ay si Patrick at si Kat. Nabayaran lang ni Joey si Patrick na ligawan si Kat, dahil hindi puwedeng ligawan ang kapatid ni Kat na si Bianca kung hindi muna maliligawan si Kat, ngunit sila talaga ay nahulog para sa isa’t-isa. Malaki ang pinagkaiba ng dalawa pagdating sa tagpuan, dahil moderno ang tagpuan ng pelikula. Malaki ang pinagkaiba ng dula at ng pelikula pagdating sa mga papel ng mga babae. Sa dula ay tinratong parang hayop na kailangan paamuhin si Katherine, nguinit sa pelikula ay pinakita lang na mabait at mapagmahal din si Kat, kahit siya ay palaaway at mainitin ang ulo. Mas matimbang ang pelikula dahil dito; dahil mas feministiko ang pagkakagawa sa kuwento.


4. Black Swan


    Ang pelikulang Black Swan ay nagmula sa akdang Swan Lake. Ang kabuuan ng pelikula ay natuon sa karakter ni Nina, isang ballerina na may lumalaking pagkahumaling sa pagsayaw at lumalaban para siya ang maging bida sa produksyon ng Swan Lake na magaganap sa pelikula at maging White Swan. Ang kanyang ina naman ay isang dating ballerina rin na kumokontrol sa kanyang mga gawain. Sumasalamin ito sa inain ni Odette sa Swan Lake. Si Lily ay isa ring ballerina, pero siya ay sumasalamin sa Black Swan o ang hadlang kay Nina para maging White Swan.

     Mas madilim ang Black Swan kaysa sa orihinal na akdang naging base nito. Mas naging pokus sa pelikula ang pagiging mag-isa at kontrolado ng buhay ni Nina tulad ni Odette. Magkapareho si Thomas sa Black Swan sa karakter ni von Rothbart sa Swan Lake kung saan pareho nilang ninanais ang kawalan ng pagbabago kay Odette at Nina para sila’y maging pasibo at sumunod na lang sa mga utos na ibinibigay sa kanila, ipinapagpatuloy ang pagiging malinis, perpekto.


3. She's The Man

   
     Ang She’s The Man ay isang pelikula na modernong pagsasalin ng Twelfth Night ni Shakespeare.

     Sa She’s The Man ang bida ay si Viola Hastings, isang mag-aaral sa eskuwelahang Cornwall, at miyembro ng futbol klub dito, subalit ang klub ay itinigil na ng eskuwelahan; Ang lalaking kapatid ni Viola, si Sebastian, ay pumuntang London, at upang maka-ganti sa Cornwall nag-panggap siya bilang kapatid niya upang maging miyembro ng futbol klub sa eskuwelahan ni Sebastian, kung saan nakilala niya si Duke Orsino.

     Ang pangalan ng mga tauhan sa She’s The Man ay ikinuha din sa Twelfth Night. Ang kuwento ng pelikula ay insiprasyon mula sa Twelfth Night, kung saan si Viola at ang kanyang kapatid na si Sebastian ay biktima ng pag-bagsak ng bapor, at si Viola ay nag-panggap bilang si Sebastian, upang magtrabaho bilang kawani ni Duke Orsino. Ang tagpuan sa Twelfth Night ay Illyria, malapit sa baybayin ng Adriatica, at ang She’s The Man ay nasa Estados Unidos sa eskuwelahan ni Viola na Cornwall at ang eskuwelahan naman ni Sebastian na Illyria. Walang nakatakdang panahon sa Twelfth Night ni Shakespeare, at ang She’s The Man ay masasabing nasa taong 2000’s.

2. Maleficent

 
   Ang pelikulang Maleficent ay isang live-action na paggawa muli ng animated 1959 bersiyon ng Sleeping Beauty ng Walt Disney. Alam naman siguro nating lahat ang kuwento ng isang prinsesa na isinumpang walang hanggang pagtulog kapag naturok siya sa krayom ng rowedang panginog sa kanyang ika-labing anim na taon. Sa pelikulang Maleficent, sinusunod parin nito ang orihinal na balangkas tulad ng pagsumpa ng “masamang” reyna sa anak ng hari, ang pangangalaga ng tatlong engkanto kay Aurora, at ang mga pangunahing tauhan ay naroon parin.

     May mahalagang pagkaiba rin ito kumpara sa Disney na bersiyon. Iba ang perspektibo nito; ipinakita ang nakalipas ni Maleficent noong bata pa siya na nakatira sa mahiwagang gubat at may natagpuang batang magnanakaw na naging “kasintahan” niya pagkaraan ng ilang taong pagkikita. Si Stefan, ang karaniwang tao lamang, ang dahilan at nagpasimula ng gulo sa dalawang kaharian dahil pinutol niya ang mga pakpak ni Maleficent para lang mapamana sa kanya ang trono. Napakawalang hiya nga naman ni Stefan na iniwan na nga niya si Maleficent at binalikan lamang para pagtangkaang patayin.

     Pagktapos isumpa ni Maleficent ang sanggol ng hari, palihim na binantayan niya ang paglaki ni Aurora sa isang tahanan na malayo sa kastilyo. Fairy godmother ang tingin ni Aurora sa kanya dahil lagi niyang nakikita ang anino ni Maleficent na sumusunod sa kanya. May itinatagong pagkasuklam si Maleficent kay Aurora ngunit patiwasay niya itong kinausap nang magkita at mag-usap sila. Sa pagkalipas ng ilang masayang pagsasama na napagmasdan niyang mabuting tao si Aurora, ibig niyang bawiin ang sumpang ibinigay. Iniwasan niyang mangyari ang sumpa sa pag-aanyayang tumira nalang si Aurora sa engkantong gubat kasama siya at ang ibang mga nilalang na nakatira roon.

     Isinagot rin ng pelikulang ito ang “plot hole” sa sumpa ni Maleficent sa unang pelikula (Sleeping Beauty) nang sinabi niyang “...the princess will be loved by all who know her…” at sa huli si Maleficent ang nagmahal kay Aurora bilang isang ina. Si King Stefan naman, ang ama ni Aurora, ay galit na binati si Aurora sa kanyang maagang pagbalik. Ang wakas ng kuwento sa Maleficent ay iba rin sa Sleeping Beauty (1959). Ang “true love’s kiss” na magpapagising kay Aurora ay hindi mula sa prinsipe ngunit mula kay Maleficent na nagmahal at nagbantay sa kanya na parang isang ina. Sa pagtakas nilang dalawa, naabutan sila ng mga guwardiya ni King Stefan. May laban na naganap at namatay si King Stefan sa pagkahulog nilang dalawa ni Maleficent sa tore sa halip ng pagkamatay ni Maleficent kalaban ni Prince Phillip sa Sleeping Beauty.

     Maganda ang pagsasakontemporanyo dito dahil nabigyan ng bagong punto de bista ang isang kwentong matagal na nating alam.

 

1. Lion King


     Ang Lion King as isang pelikulang pambata na kumuha ng inspirasyon mula sa Hamlet ni William Shakespeare. Tulad ng Hamlet, ang kwento ng Lion King ay nakasentro sa pagiging hari ng tiyohin ng bida pagkatapos mamatay ng ama niya, pero sa pelikula, lumayas si Simba, ang pangunahing bida, mula sa kanilang tahanan, ang Pride Rock. Tumira sa kagubatan si Simba at nabuhay sa pagaalaga nina Timon at Simba, isang meercat at isang wild boar; sa Hamlet, nanatili sa palasyo si Hamlet kasama ang pamilya niya. Sa kagubatan, natagpuan muli ni Simba ang kayang kaibigang si Nala. Kinuwento ni Nala kay Simba ang kalagayan na ng Pride Rock at pinipilit niyang bumalik doon si Simba ngunit umayaw siya at umalis. habang wala siya, nagpakita sa kanya ang kaniyang ama at sinabi sa kanya na kailangan na niyang bumalik at kunin at trono mula sa tiyohin niyang si Scar; maikukumpara ito sa pagiging multo ng ama ni Hamlet, pero kung sinabi lang ng ama ni Simba na kailangan na niyang bumalik, inamin ng ama ni Hamlet na ang kanyang tiyohin ang pumaslam sa kanya.

     Noong bumalik si Simba, kasama niya sina Nala, Timon at Pumbaa at gumawa ng plano para patalsikin ang tiyo niyang si Scar. Sa gitna ng laban, sinabi ni Scar na siya ang pumatay kay Mufasa at sa galit ni Simba, natalo niya sa Scar. Namatay si Scar dahil para hindi siya patayin ni Simba, sinisi niya ang mga kakampi niyang hyena; narinig ito ng mga hyena at noong nahulog si Scar sa Pride Rock, inatake nila siya. Sa Hamlet, namatay ang buong pamilya ng Hamlet—kasama siya—dahil hindi sumunod sa plano ang plano napatayin si Hamlet.

     Hindi kasing mabigat ang madilim ang kwento ng pelikulang Lion King. Dahil ito’y isang pelikulang pambata, tinaggal ang mga mas bayolenteng parte ng kwento. Pero, kahit iba na yung tono ng kwento, makikita pa rin ang mga paghahambing ng dalawang istorya.

0 comments: