Noli, El Fili, at Pagsasakontemporanyo
Dito ay ipinagkumpara namin ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal, at ang dulang Noli at Fili Dekada dos Mil.
Tagpuan
Ang tagpuan ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay noong ika-labing siyam na siglo noong isinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas. Ang tagpuan naman ng Noli at Fili Dekada Dos Mil ay sa Maypajo, Quezon na nakatakda sa modernong panahon pagkatapos ng isang bagyo at landslide na naganap sa kabundukan ng Sierra Madre.
Mga Tauhan
Crisostomo Ibarra/Simoun
Sa Noli me Tangere at El Filibusterismo, isang meztiso si Crisostomo Ibarra. Anak siya ni Don Rafael Ibarra at kasintahan ni Maria Clara. Naniwala siya na edikasyon ang solusyon sa mga problema ng bansa, ngunit nag-iba ang pananaw niya sa huli noong nalaman niya na pumanaw na si Maria Clara. Pagkatapos niyang tumakas, lumuwas siya patungo sa ibang bansa at bumalik sa Pilipinas bilang si Simoun.
Sa pagsasalin ng Noli at Fili Dekada dos Mil, si Crisostomo Ibarra’y naging si Ibarra Marasigan, mayor ng bayan ng Maypajo sa probinsya ng San Lorenzo.Kaysa sa pagtatayo ng paaralan, nagpatupad ng total log ban sa Sierra Madre si Ibarra pagkatapos masalanta ng baha ang Maypajo.
Maria Clara
Sa orihinal na materyal, si Maria Clara’y nakilala niya si Ibarra noong bata pa sila at nagplanong ipakasal sila sa isa’t isa ang kanilang mga ama. Nang mabalitaan ng pamilya niya na namatay si Ibarra, kay Linares naman siya sanang ipapakasal. Hindi siya pumayag at namilit na ipasok siya sa kumbento, kung saan nagpakamatay siya pagkatapos gahasahin ni Padre Salvi.
Sa Noli at Fili, si Maria Clara ay naging si Clarissa, ang fiance ni Ibarra Marasigan. Nang napilitang maghiwalay si Clarissa kay Ibarra dahil sa utos ni Kapitan Tiyago at nalaman ni Koronel Salvatierra (Padre Salvi) na anak ni Padre Damaso si Clarissa, pinilit niyang ipakasal sa kanya si Clarissa. Sa dula, namatay si Clarissa pagkatapos barilin ni Salvi.
Isang malaking pagbabago na makikita sa karakter ni Clarissa ay ang kanyang ugali. Sa mga sulatin ni Rizal, si Maria Clara ay isang ehemple ng “ideal Filipino woman;” mahinhin, masunurin, at maka-Diyos. Si Clarissa naman ay magkakayanang mag-isip para sa sarili niya—makikita ito sa kanyang pagtanggi sa desisyon ng ama niya na humiwalay kay Ibarra at sa desisyon niya na iwanan si Salvi nang malaman niya na namatay na si Ibarra.
Elias
Sa mga sulatin ni Rizal, isang tulisan si Elias na nakilala lang ni Ibarra noong tinulungan siya ni Elias na tumakas mula sa bilangguan. Namatay siya habang tinutulungan niya si Ibarra.
Sa dula, matagal nang magkaibigan sina Ibarra and Elias. Isa siyang miyembro ng NPA at inaanyayaan si Ibarra na sumali sa kanila. Tulad ng kanyang orihinal na persona, namatay rin siya habang tinutilungan niyang tumakas si Ibarra mula sa bilangguan.
Padre Salvi
Kung sa libro sa si Padre Damaso ang may mas malaking papel sa kwento, sa Noli at Fili Dekada Dos Mil si Koronel Salvatierra, ang persona ni Padre Salvi sa dula, ay ang pangunahing kontrabida.
Banghay
Ang orihinal na akda ay nagsimula sa bahay ni Kapitan Tiago at nagdiwang silang lahat sa pagbabalik ni Ibarra sa Pilipinas pagkatapos ng pitong taon ng pag-aaral sa Europa. Sa Noli at Fili Dekada dos Mili, ipinagdiwang nila ang pag-anunsyo ng pagpapakasal ni Ibarra at Clarissa. Ang mga plano ni Ibarra para sa bayan ay ang pagpapatupad ng total log ban. Inaresto siya dahil inakalang nagnanakaw siya ng pera at dahil isa daw siyang korap na alkalde. Sinasabing dinaya lang ang pagkapanalo niya sa eleksyon.
Sa mga libro, si Maria Clara dapat ay ikakasal kay Linares, pero sa dula, siya ay itinakdang ikasal kay Salvi. Itinanggi ni Maria Clara ang pagpakasal kay Alfonso Linares noong nalaman niya na patay na daw si Ibarra at saka pumunta na lamang siya sa kumbento. Dito naman ay inabuso siya ni Padre Salvi at ginahasa hanggang nagpakamatay na lamang siya. Sa Noli Me Tangere, ipinalagay na namatay si Maria Clara dahil tumalon siya sa taas ng kumbento. Sa dula naman ay ipinakasal siya kay Salvi at patuloy siyang inabuso sa kanyang paglalasing.
Sa libro ay namatay si Elias na nakilala niya si Basilio at pinag-aral niya ang bata gamit ng gintong ibinigay niya sa bata. Namatay siya na pinoprotektahan si Ibarra sa mga kalaban nila. Hindi nakilala ni Elias si Basilio sa dula at namatay ito para makaalis si Ibarra papunta sa kabundukan di tulad sa akda kung saan umalis ng bansa si Ibarra ulit bago makabalik paglipas ng ilang taon.
Pareho sa libro at dula ang balak ni Ibarra na pasabugin ang gaganaping kasal ni Juanito Pelaez at Paulita Gomez ngunit siya’y nabigo dahil pinigilan ni Isagani ang pagsabog ng lampara.
Namatay sa huli si Ibarra na inamin niya ang lahat ng kanyang nagawa.
How to bet on Bet365 Casino NJ - JT Hub
ReplyDeleteWhat you need to know about bet365 Casino NJ - Bet365 Casino Review 군포 출장안마 - Learn about Bet365 bonuses and promotions 익산 출장안마 and where to bet 김천 출장샵 on Rating: 4.7 · Review 세종특별자치 출장마사지 by JTG Hub 용인 출장안마
Aisha Aliyu is eight-months pregnant and sprawled out on a mat in front of her house with four of her children spread around her feet.청주출장마사지
ReplyDelete제주출장마사지
서귀포출장마사지
찰덕출장마사지
찰덕출장마사지
찰덕출장마사지
광주출장마사지
대전출장마사지
🔑 What is digital twin?
ReplyDeleteYour Key to Unlocking a Smarter Future